-
Sep 10 2020 Department of Tourism, Culture and Arts of Manila
Isa sa mga libangan nating mga Pilipino ang kumain, andiyan ang iba’t ibang putahe, ulam, minatamis, mga sawsawan at kung ano-ano pa. Ngunit pagdating sa mami o mainit na sabaw at siopao na asado o bola-bola man, isa lang ang ating pinupuntahan. Ito ang “Ma Mon Luk.”Dumating si Ma Mon Luk noong taong 1920 sa Pilipinas nang walang pera at trabaho. Sa dahilang ito, ang tanging pag-asa niya ay kung ano ang kaya niyang gawin at ito ang gumawa ng “chicken noodle soup” o mas kilala bilang mami. Ang mami na ito ay kanyang nilalako sa kahabaan ng Binondo, Maynila. Ang kanyang mga suki ay mga estudyanteng kolehiyo na naghahanap ng masarap at swak sa bulsa na pagkain. Hindi nagtagal nakaipon siya ng pera para makapagtayo ng unang restaurant sa Binondo na kalaunan inilipat rin sa may Quaipo, Maynila na hanggang ngayon ay doon matatagpuan. Dito na nga nakilala ang siopao at siomai na paborito ng lahat hanggang sa nakapagtayo pa ng isang puwesto sa may Banawe, Quezon City. Ilang taon man ang nagdaan, ang Ma Mon Luk ay binabalik-balikan at pinanatili nito ang kanilang orihinal na lutuin at lasa. Ngayon 2020, sila ay magdiriwang ng kanilang ika-isang daang taon. Ikaw, ano ang kuwentong “Ma Mon Luk” mo? Ibahagi sa amin. #ManilaSupportLocalChallenge#BuyLocalEatLocalManila#BagongMaynila#SimplyNoPlaceLikeManila
Source: https://www.facebook.com/dtcamanila/posts/633242627330101